'Forged in Mentorship and Innovation': Binalangkas ng Bagong UPD-CS Dean ang mga Plano sa Hinaharap

Published: November 3, 2025
By: Eunice Jean C. Patron
Translated by: Dr. Ian Kendrich C. Fontanilla

Si Dr. Cynthia P. Saloma ay opisyal na kinumpirma bilang bagong Dekana ng UPD-CS noong Oktubre 20.

Sa pagpasok ng University of the Philippines – Diliman College of Science (UPD-CS) sa isang panahong hinihimok ng guidance at innovation, isa sa mga pangunahing molecular biologist sa bansa ang mamumuno ngayon upang patnubayan ang Kolehiyo tungo sa kahusayan.

 

“Mentorship is the heartbeat of academic excellence,” sabi ni Dr. Cynthia P. Saloma ng UPD-CS National Institute of Molecular Biology and Biotechnology (NIMBB), na kamakailan lamang ay na-affirm bilang bagong Dekano ng Kolehiyo noong Oktubre 20. “It is through your guidance that our students will develop the vision and the resilience to tackle the unknown.”

 

Sa kanyang affirmation address, binigyang-diin ni Dr. Saloma na higit pa sa supervision,dapat ding tumanggap ang mga mag-aaral ng UPD-CS ng transformative mentorship mula sa mga guro. Sa kanyang termino, nakatuon siya sa patuloy na pagsuporta ng Kolehiyo sa mga guro nito bilang mga mentor sa pamamagitan ng paglinang ng isang environment kung saan ang mga mag-aaral ay sinusuportahan, empowered, at pinaghahanda upang maging susunod na mga pinuno.

 

“The Philippines faces complex challenges and opportunities, all of which demand a robust pipeline of homegrown, world-class experts,” dagdag ni Dr. Saloma, na binibigyang-diin na ang pamumuhunan sa pag-unlad ng mga mag-aaral ay isa ring pamumuhunan sa kakayahan ng bansa na mamuno, makipagkumpetensya, at mag-innovate sa pandaigdigang antas.

 

Binigyang-diin din ng bagong Dekano ang pangako ng Kolehiyo na gamitin ang makabagong pananaliksik at kolaborasyon upang harapin ang mga hamon na kinakaharap ng Pilipinas—mula sa pagbabago ng klima at seguridad sa pagkain hanggang sa kalusugan ng mundo.

 

Pagpapanatili ng kahusayan sa pananaliksik

 

Upang matupad ang mga pangako ng Kolehiyo, binanggit ni Dr. Saloma na dapat munang tugunan ang isang pangunahing isyu—sustainable support. Pinaalalahanan niya ang komunidad ng UPD-CS kung paano makakagawa ng pagbabago ang pagpopondo sa pagsulong ng mga scientific project:

 

“No matter how brilliant an idea is, without a well-equipped lab, it remains a pipe dream—a project deferred. A promising student or researcher without adequate funding is potential left untapped,” diin ni Dr. Saloma “We are thankful for the grants we receive for certain projects, but we face a critical gap in the foundational funding that keeps our lights on, our equipment running, and our facilities safe and modern. This is the lifeblood of our daily operations.”

 

Nangako siya na unang tututukan ng kanyang deanship ang pagbuo ng mga partnership sa iba’t ibang sektor—mula sa administrasyon ng UP at alumni ng UPD-CS hanggang sa mga kasama sa industriya, at mga ahensya mula sa pribado at gobyerno. “It is investing in the very infrastructure of innovation and mentorship in our country,” dagdag niya.

 

Si Dr. Saloma ay ang ika-walong Dekano ng UPD-CS. Isa siya sa mga founding member ng Philippine Genome Center at nagsilbi bilang Executive Director nito mula 2018 hanggang 2023. Nagsilbi rin siyang Director ng NIMBB mula 2012 hanggang 2018. Si Dr. Saloma ay ang Principal Investigator sa Laboratory of Molecular and Cell Biology (LMCB) ng NIMBB, na nakatuon sa gene function in development.

 

Si Dean Saloma ay susuportahan ng College Executive Board na binubuo nina Dr. Manuel Joseph C. Loquias (Academic Affairs), Dr. Betchaida D. Payot (Research and Extension), Dr. Allan Christopher C. Yago (Facilities and Resources), Dr. Leilani G. Sumabat-Dacones (Student and Public Affairs), Dr. Marie Christine M. Obusan (College Secretary), at Dr. Rheadel G. Fulgencio (Assistant College Secretary), kasama ang mga program at center director tulad nina Dr. Bantang (Computational Science Research Center), Dr. Lerrie Ann D.G. Ipulan-Colet (Science and Society Program), Dr. Marienette M. Vega (Material Science and Engineering Program), Dr. Rachelle R. Sambayan (Data Science Program), Dr. William Patrick C. Buhian (NSTP Coordinator), at Dr. Wilfred John E. Santiañez (Graduate Program Coordinator).

 

For interview requests and other concerns, please contact media@science.upd.edu.ph.