Pag-aaral ng mga biologo ng UP isinalarawan ang galawin ng mga kabog (Flying Fox) para sa mga gawaiing pang konserbasyon
Published: August 11, 2026
By: Eunice Jean C. Patron
Translated by: Dr. Benjamin M. Vallejo Jr.
Ang mga kabog (Flying fox) at malalaking paniki na kumakain ng mga bunga at bulaklak ng mga puno. Sila ay may kakayanan lumipad ng malayong distansiya sa paghahanap ng makakain. May mga kabog na lumlipad ng 20 km mula sa kanilang mga hapunan sa loon ng isang gabi para maghanap ng bungang makakain. Kaya nila lumipad at tumawid ng karagatan para marating ang malayong pulo hanggang 6000 km at maaring tumawid sa mga hangganan ng mga bansa. Dahil dito sila ay makikita sa malaking bahagi ng daigdig. Mabilis sila lumpipad at mahirap ma-sundan ang paglipad nila.
Para lalong maunawaan kung paano lumalarga ang mga kabog at kung paano nila ginanagamit ang mga likas na tirahan, ang mga biologo mula sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Linangan ng Biolohiya kasama ang ibang mananaliksik ay nanghuli ng 9 na kabog at sinoutan sila ng magaan na GPS collars para sundan ang kanilang galaw sa kaligiran.
Sina Rio Renato Constantino, Czarina Espiritu, Maria Sabrina Tabeta, Simeon Gabriel Bejar, and Dr. Mariano Roy Duya ng the UPD-CS IB nakipagtulungan kina Kirk Taray, Jezryl Jaeger Garcia, Dorothy Mariano, Dr. Mary Grace Dacuma, at Dr. Phillip Alviola ng UP Los Baños; Sophie Borthwick, Dr. Dolyce Low, at Dr. Ian Mendenhall of Duke-NUS Medical School, Singapore; Dr. Eric Laing ng Uniformed Services University, Bethesda, USA; at Dr. Catalino Demetria and Dr. Fedelino Malbas of the Research Institute for Tropical Medicine ang nagsilarawan ng galaw ng golden-crowned na kabog, Acerodon jubatus; malaking kabog, Pteropus vampyrus; at ang mailiit na kabog, P. hypomelanus.
“Kakaunti lamang ang datos natin tungkol sa galawin ng mga kabog sa Pilipinas. Dalawa lamang ang pagaaral sa kanila, sa mga uri ng (A. jubatus and P. vampyrus) sa Subic lamang na maliit sa lugar na kinakasakupan ng mga kabog sa Pilipinas. At walang pagaaral tungkol sa P. hypomelanus saan man, ani ni Constantino.
Habang natutulog ang mga kabog, nilapitan sila ng nga mananaliksik na may hawak na antenna para ma-download ang GPS na datos. Dahil na maliit ang sample size, mahirap maiugnay ang natuklasan sa buong populasyon ng mga kabog. Ngunit, ang mga jubatus at P. vampyrus mas malayo ang nararating kumpara sa P. hypomelanus. May mga pagkakaiba sa pagbalik nila sa kanilang hapunan. Binabalikan din nila ang ang kanilang lugar na may pakain. Malawak ang kanilang likas na tirahan, mula lugar na maramaning gusali hanggang mga bukirin na sinasaka ng mga tao.
Ang mga galawain ng mga kabog ay kabighani-haning pagaralan. “Kung saan sila pumupunta, malalaman natin ang kanilang paggamit ng mga likas na tirahan. Sa gubat lamang ba sila matatagpuan? Namamalagi ba sila sa mga lungsod?” ani ni Constantino. “Sa paglubog ng araw, aalis sila sa mga hapunan at lilipad sa dilim ng gabi. Saan sila pumupunta? Ito ang mga katanungan namin na naisa mabigyan ng kasagutan” dagdag ni Constantino.
Ang pakakaunawa natin sa galawin ng mga kabog sa mga ibat ibang likas na tirahan ay maaring magbigay ng idea kung paano sila maaalagaan at mamahalaan. Maraming silang ginagawa sa ekolohiya ng kaligiran, mula sa pagkalat ng mga buto. Pag kumain ang kabog ng bunga, ang dumi nito ay may kasamang buto at sa malayong panig nito kinakalat. Ang buto ay magiging puno sa kagubatan.
Kailangan ma-protektahan at ikanlong ang mga hapunan ng mga kabog at hindi ito magambala. “Kung hindi gagambalain ang mga kabog, hindi sila aalis at kung alam mo kung nasaan sila nag hahapunan, iwasan ang mga lugar na ito” ani ni Constantino. Ang saliksik na ito ay magbibigay ng kaalalaman sa pag plano ng land use at mga stratehiya sa konserbasyon na kailanga para sa pag protekta ng saribuhay (biodiversity) at pampublikong kalusugan.
Ang saliksik na, “Movement patterns of three species of flying foxes across human-modified landscapes in the Philippines,” ay naipalimbag sa Mammalia, isang internasyonal multidisiplinaryo, tuwing ikalawang buwan na journal na nakatuon sa imbentaryo, pagsusuri, at interpretasyon ng pagkakaiba-ibang uri ng mga mamalya.
References:
Constantino, R. R. P., Espiritu, C. C., Tabeta, M. S. G., Taray, K. J., Garcia, J. J. L., Bejar, S. G. F., Manzano, D. J. O., Borthwick, S. A., Low, D. H. W., Mendenhall, I. H., Laing, E. D., Demetria, C., Malbas, F., Dacuma, M. G. B., Alviola, P. A., & Duya, M. R. M. (2026). Movement patterns of three species of flying foxes across human-modified landscapes in the Philippines. Mammalia. Advance online publication. https://doi.org/10.1515/mammalia-2025-0097
For interview requests and other concerns, please contact media@science.upd.edu.ph.