UP Scientists Gumamit ng Green Method Para Makagawa ng Silver Nanoparticles Para sa Antibacterial Applications

Published: February 3, 2026
By: Eunice Jean C. Patron
Translated by: Dr. Ian Kendrich C. Fontanilla

Nagsulong ang mga scientist mula sa University of the Philippines–Diliman College of Science (UPD-CS) ng greener approach sa silver nanoparticle (AgNP) synthesis sa pamamagitan ng paggamit ng gamma irradiation kasama ng natural na seaweed-derived biopolymer ι-carrageenan. Bagaman dati nang naiulat ang mga rutang gamma-radiolytic para sa pagbuo ng AgNP, ang mismong papel ng ι-carrageenan sa pag-stabilize at pag-impluwensya sa pagbuo ng nanoparticle sa ilalim ng proseso ng radiolysis ay nanatiling hindi pa ganap na nauunawaan.

 

Mga colloidal silver nanoparticles na ginawa gamit ang gamma irradiation sa iba’t ibang doses, na makikita sa pagbabago ng kulay mula walang kulay, nagiging dilaw, hanggang kayumanggi habang nagko-convert ang silver ions into antibacterial silver nanoparticles. Mas madilim ang kulay, mas mataas ang co

Sa halip na gumamit ng matatapang na kemikal, gumamit ang mga mananaliksik na sina Mon Bryan Gili, Wendell Manuel, at Dr. Marienette Vega ng UPD-CS Materials Science and Engineering Program (MSEP); Dr. Marlon Conato ng UPD-CS Institute of Chemistry (IC); at Rakshith Gowda Shankaregowda at Dr. Manh-Huong Phan ng University of South Florida ng gamma radiation at isang natural na seaweed-derived substance na tinatawag na carrageenan upang makalikha ng mga nanoparticle.

 

“Sa madaling salita, hinahayaan namin ang radiation na gawin ang ‘trabaho’ ng pagbuo ng mga particle, habang pinapanatili ng seaweed extract ang mga ito na matatag at ligtas. Pagkatapos ay sinubukan namin kung gaano kabisa ang mga particle na ito laban sa mga pangkaraniwang bacteria,” paliwanag ni Gili. Kung ikukumpara sa mga tradisyonal na chemical methods, ang pamamaraan ng mga mananaliksik ay maituturing na mas ‘green’.

 

Madalas na nangangailangan ang chemical synthesis ng mga malakas na reducing agent at stabilizer, na maaaring nakakalason at mahirap itapon nang hindi nakapipinsala sa kalikasan. Sa kanilang pamamaraan, ganap na pinapalitan ng gamma radiation ang mga kemikal na ito. Nagiging sterilized din ang mga nanoparticle habang sila’y nabubuo, na isang malaking pakinabang para sa mga medical application. “Sa pangkalahatan, nangangahulugan ito ng mas maikling proseso, mas kaunting chemical waste, at mas ligtas na produkto para sa tao at sa kapaligiran,” dagdag ni Gili.

 

Bilang isang researcher sa nuclear science, nasasabik si Gili na ilapat ang teknolohiya ng radiation sa paraang direktang nakikinabang sa kalusugan at sustainability. Ang pag-aalala para sa kaligtasan sa kapaligiran at ang lumalaking isyu ng antibiotic resistance ay nag-udyok sa kanya at sa kanyang pangkat na maghanap ng mga alternatibong paraan para sa paggawa ng mga silver nanoparticle. Maraming mga nakasanayang proseso ang gumagamit ng mga nakalalasong kemikal na maaaring makapinsala sa mga tao at sa kapaligiran.

 

“Kabilang sa mga susunod na hakbang ang pagpapabuti ng kanilang long-term stability, pagsubok sa mga ito sa mga real-world products, at pagsusuri kung ligtas silang gamitin ng tao,” sabi ni Gili. “Sa huli, inaasahan namin na ang teknolohiyang ito ay hahantong sa mura at lokal na gawang mga antibacterial material gamit ang likas na yaman ng Pilipinas at kadalubhasaan sa nuclear science.”

 

Ang kanilang papel, “Antibacterial evaluation of radiolytically synthesized silver nanoparticles with ι-carrageenan stabilizers,” ay nailathala sa Radiation Physics and Chemistry, isang journal na nagtatampok ng mga pag-aaral na nakatuon sa pananaliksik at mga pagpapaunlad gamit ang ionizing radiation sa radiation physics, radiation chemistry, at radiation processing.

 

References:

Gili, M. B., Manuel, W. A., Guillermo, N. R., Shankaregowda, R. G., Phan, M., Conato, M. T., & Vega, M. M. (2025). Antibacterial evaluation of radiolytically synthesized silver nanoparticles with ι-carrageenan stabilizers. Radiation Physics and Chemistry, 236, 112941. https://doi.org/10.1016/j.radphyschem.2025.112941

 

For interview requests and other concerns, please contact media@science.upd.edu.ph.